hay naku, ang dami nanamang mga bagay ang gumugulo sa utak ko ngaun. Kanina maraming tao sa tindahan.Buti na lang. Kahit papano, its like years (exaj, of course, months lang!) since we had that crowd in our store. Pasukan kasi eh. sa ayaw at gusto man ng mga magulang na gumastos eh, gagastos at gagastos din sila.
Nag-enlist na ko kanina. Mabuti na lang at natapos din, although ung mga gusto kong subject eh hindi ko nakuha. Kakainis kasing admission slip yan eh. At kakainis na sistema yan hindi maayos ayos. Para sa isang kapirasong papel eh nadelay pa ko kaya ayan hindi ko tuloy nakuha ung mga subjects na gusto ko. Pero ok na rin, nagdasal naman ako na sana eh ayusin na Niya ang schedule ko kasi hindi ko nman alam kung anong time ang trabaho ko.
Sana magkatrabaho na ko. Wala akong pambayad ng insurance ko, pati ng mga utang ko at ng tuition ko. Naka-enlist nga ako pero wala naman akong pambayad. Pero sabi nga nila, God will provide in His own time. Sana po ang time niyo ay hindi lumampas ng June 14 kasi last day of payment na yun eh.
Sana magkatraabaho na ko. Gusto ko na kasing tumulong sa ate at tatay ko. Sana ako na lang ang makapagpapabaon sa mga kapatid ko. at makasagot ng ilang gastusin dito sa bahay.
Sayang, kala ko kasi makakapasa ako sa New York. kala ko pa naman eh makakatikim na ko ng three seasons of happiness, hindi pala. Kaya eto, balik sa tunay na buhay. Naririnig ko na lang na sinasabi ni God sa akin na, "Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa mga lugar na pinapangarap mo, pero hindi sa shortcut ang daan natin..mejo mahabang lakbay pero sigurado kong mag-eenjoy ka",.
Ang dami ko pang tatapusin. Ewan ko rin ba dito sa sarili ko, bat hindi man lang ako makapagconcentrate these days.... pero natuwa ako kahapon, meron akong mga nalaman na mga bagay...pero sa akin na lang yun..alam ko namang hindi ko siya makakalimutan eh.
"Sana po tulungan niyo akong magconcentrate. Ang dami ko po talga kasing dapat tapusin. Meron akong Falun Gong research work, meron pa akong planning para sa cloning project. Sana po ay magpasa na ung mga volunteers, kahit na 3 or 4 lang silang magrespond. Kelangan ko po kasi talaga ng katulong. Lord , pag magpplanning na kami, tulungan mo po kami ha? Kasi hindi ko po alam ung mga ganitong bagay. Mejo bago ako sa ganitong projects. "
"Hindi ko po alam kung makakarating ako sa gusto kong patunguhan. Ang alam ko Kayo po ang sinusundan ko. Sainyo po ako nananalig. Alam ko hindi niyo ko pinababayaan. Hindi man ako makarating dun, alam ko meron kayong ibang lugar na hinanda para sa akin. Parang katulad nung mga panahon na gusto ko talgang mag-shift pero un nga hindi pala para sa akin yun. Naisip ko pa nung time na yun na gusto ko talga ung course. Buti na lang po mas marunong kayo sa akin."
"Salamat po sa lahat ng binibigay Niyo sa akin at sa pamilya ko. Sana po tulungan niyo ako kung pano ko po Kau mapapasalamatan."
gail